Loading...
Alt

Kapag tayo ay naka-ranas ng hindi tamang pagpapalakad ng isang recruitment agency o recruiter, hindi pa huli ang lahat. Maari pa rin tayong mag reklamo tungkol dito. Ang importante lamang ay alam natin ang proseso ng pag sampa ng kaso sa Philippine Overseas Employment Agency o POEA.

Ang paghingi ng tulong at pagrereklamo tungkol sa maling palakad ng ahensiya o recruiter ay karapatan natin bilang manggagawa.

Ang POEA ay may libreng legal assistance para sa filing/ docketing ng mga kaso sa POEA. Maaring sundin ang mga sumusunod para maging madali ang proseso:

Una, sa pagkuha ng Legal Assistance, kailangang pumunta sa Legal Assistance Division ng POEA sa 4th floor ng kanilang building sa may Ortigas, at dalhin ang iyong OFW Record.

Ito ang mga step sa pagkuha ng legal assistance:

  1. Kumuha ng verification form mula sa Guard sa 4th floor at i-fill up ang form.
  2. Sa 4th floor, pumunta sa Window 3 ng Licensing Branch (LB) at kausapin ang LB Verification Officer para malaman ang status ng agency na balak ireklamo.
  3. Pumunta sa Legal Assistance Division (LAD) at i-submit ang verified form/ OFW information sheet sa Legal Officer at hintaying tawagin ang iyong pangalan.
  4. Kapag tinawag na ang inyong pangalan, pumunta sa mesa ng inyong Legal Officer upang magkaroon ng konsultasyon o legal assistance bilang paghahanda sa pag file ng inyong complaint.
  5. Ibigay ang hawak na complaint form sa Legal Officer at maghandang sumumpa sa katotohanan ng mga nakasulat sa reklamo.
  6. Kung napag desisyonan na maaari pang ayusin ang problema kasama ang agency na inirereklamo, maari ka ding papuntahin sa Conciliation Unit sa 2nd floor o kaya sa Docket and Enforcement Division sa 3rd floor, kung kailangan namang i-akyat ng inyong reklamo.

Pangalawa, pagkatapos madinig ng Legal Officer ang inyong hinaing at kailangan niyong isampa ang pormal na reklamo sa agency, kakailanganin ihanda ang sumusunod:

5 kopya ng reklamo na na-verify at may sinumpaang testimonya kasama ng mga sumusunod na dokumento:

Kapag ang Reklamo ay Tungkol sa Recruitment Violation

  1. Listahan ng Agency Personnel ng nasabing ahensya mula sa Licensing Branch ng POEA.
  2. Status ng agency ayon sa Licensing Branch.
  3. Request to Docket Case mula sa Conciliation Unit.

Kapag ang reklamo ay ukol sa Disciplinary Action:

  1. Ang inyong OFW Record/Information Sheet.
  2. Request to Docket Case mula sa Conciliation Unit.

Matapos makolekta lahat ng papeles, sundin lang ang mga susunod na step:

  1. Ifile ang reklamo kasama ang mga nasabing dokumento sa Docket and Enforcement Division sa 3rd floor ng POEA building.
  2. Kumuha ng de-numerong bola sa tambyolo para makilala kung sino ang Overseas Employment Adjudicator (OEA) na hahawak ng inyong kaso.
  3. Tanggapin ang kopya ng file ng reklamo na mayroong stamp na “RECEIVED” na kasama ang case number at numero ng OEA na hahawak ng kaso.
  4. Antayin lamang ang notice ng unang hearing ng kaso.

Sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa inyong kaso, hindi lang kayo ang nagkakamit ng hustisya kung pati na rin ang mga OFW na nakaranas ng katulad na sitwasyon sa ibang ahensya.

Hindi na din mabibigyan ng pagkakataon ang mga ahensyang itong manloko pa ang ibang mga kababayan nating nagtratrabaho sa ibang bansa. Kayang baguhin ng inyong tapang, malasakit, at paghahanap ng hustiya ang industriya ng recruitment sa ating bansa. Para sa mga katanungan, pumunta sa Report Concerns ng website na ito o kaya mag message sa Facebook Page ng My Labor Matters: https://www.facebook.com/mylabormatters/

SUMMARY:

This article above discusses the process for filing a case against a recruitment agency or recruiter at the Philippine Overseas Employment Agency (POEA). Every worker has the right to be able to file against a recruitment agency or recruiter who has violated the Philippine laws. The POEA provides free legal assistance for the filing and docketing of cases filed by overseas Filipino workers (OFWs). For more information on the POEA, visit their website at: http://www.poea.gov.ph/

If you have any questions or concerns, you may report a concern at the Mag Report page of this website. You may also visit My Labor Matters’ Facebook page at https://www.facebook.com/mylabormatters/