No Training? No Problem!: Mag-aral ng Free TESDA Courses Online
Ikaw ba ay nalulungkot at tingin mo’y wala kang bukas na hinaharap? Isa ka bang out-of-school youth? OFW ka ba na walang makitang trabaho pagkauwi ng Pilipinas o kaya’y naghahanap ng bagong career? Tambay ka ba ng computer shop at ang tanging ipon mo lang ay points sa DOTA? Wala ka bang training o special skills?
Heto na ang solusyon! Tayo na’t mag-aral ng mga free courses ng TESDA Online Program (TOP). Hindi na kailangang mamasahe pa. Makakapag-aral na gamit ang sariling computer at wifi ng kapitbahay.
Courses
Tingnan lamang po ang listahan ng mga kurso sa programang ito:
Sea-based or Maritime Jobs Training:
Ships’ Catering
Information Technology Training:
Basic Computer Operation
Web Development using HTML5 and CSS3
CAD / CAM Operation
Animation (3D DIGITAL)
Microsoft Online Courses
Game Development
Game Production Basics
Developing 2D Games with HTML5
Developing 2D & 3D Games with Unity
Software Development Fundamentals
C# Fundamentals for Beginners
Udacity – Google Courses
Android Development for Beginners
UX Design for Mobile Developers
SMART SWEEP Lecture Series
Tourism:
Food and Beverage Servicing
Waiter Servicing
Room Attendant Servicing
Bus Boy Servicing
Housekeeping
Providing Housekeeping Services to Guests
Guest Room Attendant Servicing
Valet Servicing
Public Area Attendant Servicing
Laundry Servicing
Cookery
Preparing Sandwiches
Preparing Egg Dishes
Preparing Vegetable Dishes
Preparing Starch Dishes
Preparing Salads and Salad Dressing
Preparing Appetizers
Preparing Desserts
Bread and Pastry Production
Preparing Cakes
Electronics
Cellphone Servicing
Solar Night Light Assembly
Agriculture:
Fruit Grower
Automotive:
Diesel Engine Tune Up
Automotive Battery Servicing
Heating, Ventilation and Air Condition:
Packaged Air Conditioner Unit Servicing
Trainers Methodology I:
Plan Training Session
Facilitate Learning Session
Conduct Competency Assessment
Trainers Methodology II:
Curriculum Development
Health, Social and other Community Development Services:
Massage Therapy
Swedish Massage
Thai Massage
Shiatsu Massage
Beauty Care (Nail Care)
Paano Mag-register sa TOP
1. Gamit ang inyong Internet browser, puntahan lamang ang address na ito:
http://e-tesda.gov.ph/login/index.php
2. Pakiclick lang ang “New Account” na phrase sa kanang bahagi ng page.
3. Punuin lahat ng blangkong fields sa page na ito.
4. Pindutin ang button na nagsasabing “Create My New Account” sa page na iyon.
5. Antayin ang email mula sa TESDA sa iyong personal na email account.
6. Kapag dumating na ang email, buksan ito at iclick ang link sa loob.
7. Dadalhin kayo sa loob ng site mismo. Para makita ang mga courses, paki-click ang “TOP” na nakahighlight sa blue.
8. Pumili ng kursong gustong pag-aralan. Para sa halimbawa na ito, pinili ang web development na kurso.
9. Iclick ang titulo ng kurso na napili sa susunod na page.
10. Tatanungin kayo ng susunod na page kung siguro kayo pag-aralan ito. Pakiclick ang “Yes” pag siguradong-sigurado na.
11.Sundin lang po ang kurso mula Lesson 1 hanggang sa huling leksyon. Dadalhin kayo sa isang website kung saan niyo matutunan ang mga konsepto para sa lesson na yun.
Tulad po ng ating binandera, libre lamang po ang mga kursong ito. Upang maging kapaki-pakinabang ang kaalamang makukuha dito, sabayan niyo ng praktis ang mga malalaman niyong steps. Magmasahe kung nag-aaral ng Massage Therapy at mag-kungwaring nagdedeliver ng pagkain kung Wait Servicing. Kapag kampante na kayo, pumunta lamang sa pinakamalapit na TESDA accredited assessment center sa inyong lugar. Pumunta lang sa page na ito ng TESDA: http://www.tesda.gov.ph/AssessmentCenters/
Ayan po, mag-aral na po tayo at baguhin natin ang ating mga buhay sa isang lesson kapag may libreng panahon. Patak-patak na sandali, tipak-tipak na minuto, gaganda din ang buhay.