Mga Dokumentong Kailangan Kapag Magtatrabaho Abroad
Edited: 24 January 2020
Nakapag desisyon ka na na gusto mong mag trabaho abroad. Nakahanap ka na ng papasukan, pero hindi mo pa alam kung ano ang mga dokumentong kailangan mong ihanda.
Ano ang iyong gagawin? Inilista namin sa baba ang mga tipikal na dokumentong kinakailangan para mag trabaho sa ibang bansa, sa labas ng Pilipinas.
Hindi mahirap makuha ang mga dokumentong ito, dahil ang ating gobyerno ay may mga nakalaang proseso sa pag kuha nito na nakapaskil sa ating mga barangay, munisipyo, at ahensya na nakatakda. Kung kailangan mo ng tulong upang maintindihan ang pag kuha nitong mga requirements, huwag mag atubuling mag tanong sa mga government help desks sa bawat opisina, ahensya, o sangay ng gobyernong pupuntahan.
Tip: Maglaan ng tatlong buwan o isang taon para sa ilang mga requirements tulad ng passport at pagkuha ng kurso sa TESDA para sa skilled workers. Tingnan ang link na ito para sa online application sa TESDA: http://www.tesda.gov.ph/Barangay/
1. MAGSIMULA SA MGA ID AT SUPPORTING DOCUMENTS.
Importante ang pagkakaroon ng ID card dahil ito ang magpapatunay ng iyong pagkakakilanlan.
Ang mga supporting documents naman ay ang mga importanteng dokumento na magbibigay impormasyon tungkol sa iyong pagkatao tulad ng birth certificate, kung saan nakasaad ang lugar kung saan ikaw ay ipinanganak.
Pagka sigurado, maiging mayroon ka ng 2 o 3 sa mga ID sa mga naka lista sa ibaba. Kakailanganin mo rin ng lahat ng mga supporting documents na naka lista dito.
List of Acceptable IDs | Supporting Documents |
|
|
Tip: Kung malayo sa iyo ang pinaka malapit na NSO branch, pwede ka rin mag request ng iyong birth certificate o marriage certificate online sa https://nsohelpline.ph/order-now
2. AYUSIN ANG IYONG MGA CLEARANCE.
Dokumento | Kinakailangan para makuha ang dokumento: |
Barangay Clearance | 2-3 ID, application fee: hindi aabutin ng PHP 100, cedula |
Police Clearance | Cedula, barangay clearance, 2 2×2 pictures, application fee: PHP 100 |
NBI Clearance | 2-3 ID, personal appearance sa clearance center sa inyong lugar. Sabihin na for travel abroad ang clearance, application fee: PHP 115 |
Tip:
- Puwede nang mag-apply online para sa NBI Clearance. Pumunta lamang dito sa kanilang website: https://www.nbi-clearance.com/
- Kung mayroon kang 'hit' maari ka pa ding papuntahin sa kanilang main branch malapit sa Philippine General Hospital sa Maynila. Pwede na rin kumuha ng NBI clearance sa mga mall. Tignan ang mga branch ng mall kung saan maaari kang makakuha ng NBI clearance: https://www.nbiclearance.org/where-to-apply-nbi-clearance-location-complete-list-of-nbi-clearance-outlets-in-the-philippines/
3. ASIKASUHIN ANG IYONG PASSPORT.
Para mag apply o renew ng Passport, magpunta sa pinaka malapit na DFA branch dala ang mga dokumentong ito:
- NSO Birth Certificate
- 1 ID picture
- 2 Supporting Documents (tignan ang #1 para sa listahan nito)
- Lumang Passport kung para sa Renewal
- Personal na pag punta sa DFA/ DFA branch.
- Para sa ibang mga requirements kung kayo ay kasal, Muslim, adopted, menor de edad, pumunta lamang sa: https://www.dfa.gov.ph/renewal-of-passport-requirements
Mga babayaran:
- Normal (30 days) – PHP 950
- Express (20 days) – PHP 1,200
Tip:
- Magpa-schedule ng appointment online para sa iyong passport application dito: https://www.passport.gov.ph/
- Bigyan ng mga 3 buwan ang pag proseso sa pag-aapply para sa passport dahil may mga pagkakataong punong-puno ang appointment schedule ng DFA.
- Hindi kailangang sa Main branch ka ng DFA mag apply. Pwede ka ring mag apply sa iyong probinsya o kalapit-probinsya.
4. MAG APPLY PARA SA BENEPISYO GALING SA GOBYERNO.
May mga pagkakataon na hindi required ang mga benepisyong na nakalista sa ibaba, pero maigi na rin na ikaw ay kumuha nito, para masiguradong mayroon kang benepisyo para sa iyong kalusugan, proteksyon, at benepisyong pabahay habang ikaw ay nasa abroad.
Requirements | Kinakailangan para makuha ang dokumento: |
SSS contribution (optional) | PHP 6,000 para sa isang taong kontribusyon. |
Philhealth contribution | PHP 2,400 |
Pag-IBIG contribution | PHP 1,200 |
5. PUMUNTA SA INYONG RECRUITMENT AGENCY PARA MAG-APPLY.
Mag tanong sa napiling Recruitment Agency na nais pasukan kung ano ang mga requirements nila. Nasa ibaba ang kadalasang hinihingi sa mga nag aapply. Kung naghahanap pa lang ng trabaho, sundin ang aming guide sa paghahanap ng trabaho online gamit ang POEA website.
Requirements | Mga Kakailanganin |
Placement Fee | Depende ito sa bansa. Ang Japan ay hindi nangongolekta ng placement fee samantalang ang Taiwan ay pumapayag na mangolekta ng placement fee na katumbas ng isang buwang sahod sa trabahong papasukan. |
Medical Exam | Mag handa ng PHP 1,000 to 5,000 |
Inoculation Fee | Depende uli sa bansa kung anong vaccination ang irerequire. (Maghanda ng PHP 1,000) |
Trade Test (depende sa employer) | Nagiiba-iba ang singil depende sa ahensya. |
TESDA Certification (depende sa job order, ahensya at employer) | Mag-aral sa TESDA at kumuha ng assessment test sa malapit na assessment center. Tignan ang mga assessment center na malapit sa iyo: |
Tip: Mag-apply ng trabaho sa mga bansang hindi naniningil ng placement fee tulad ng Japan. Lumapit lang sa mga Agency na nagsasabing “No Placement Fee” agency sila.
6. AYUSIN ANG POEA REQUIREMENTS.
Mag handa ng mga sumusunod na POEA requirements:
Requirements | Babayaran |
Documentary Authentication Fees | PHP 100 |
Pre-departure Orientation Seminar (PDOS) | PHP 100 |
7. IHANDA ANG MGA REQUIREMENTS MULA SA IYONG NAPILING EMPLOYER.
Ang iyong employer na napili ang nakatakdang mag bayad ng mga requirements na nakalista sa baba, pero kailangan mo pa ring asikasuhin ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang partner na Recruitment Agency. Ang iyong babayaran lamang sa mga naka lista sa baba ay ang kontribusyon sa Pag-IBIG at Philhealth (tignan ang #4).
Ito ang mga kadalasang requirements mula sa mga employer:
Requirements | Mga Kakailanganin |
Visa Fee | Depende sa bansang inaaplayan. May mga karampatang visa requirements din kayo na kailangang ibigay. |
POEA Processing Fee | PHP 200 |
OWWA Contribution | USD 25, valid ng 2 taon |
Compulsary Insurance Coverage | Nag iiba iba, depende sa Insurance Commission |
Overseas Employment Certificate (OEC) | Resibo ng pagbabayad sa POEA Processing Fee, OWWA Membership Fee, Contribution sa Pag-IBIG at Philhealth. Ang OEC ay magbibigay sa iyo ng travel tax exemption at airport terminal fee exemption at magsisilbing exit permit. |
TANDAAN: maiging maging handa sa mga dokumentong kinakailangan upang mabilis na ma-proseso ang iyong empolyment o napiling trabaho.
Kung mayroon kayong gustong itanong o kaya’y isangguni, pumunta lamang sa aming Contact Us form.
Maraming salamat!
SUMMARY:
In this thorough step-by-step list, the job seeker is provided all the information they may need to put together the documents required for their job application overseas and in the order that would be most ideal. It begins with the application for valid government IDs, then government clearances which will eventually allow the job seeker to apply for a passport. Once they have the passport, they can go to the various government agencies to apply for the respective government benefits. After which, they can go to the recruitment agency for tests and certifications and then the POEA and then their prospective employer. It also underlines how the job seeker can contact My Labor Matters via the Contact Us page for further clarification.