Loading...
Alt

Mga kailangan para makaalis ang isang OFW papuntang Taiwan

Ngayon na maari nang lumipad papuntang ibang bansa na hindi para sa turismo, kailangan maging handa para sa pagbiyahe. Iba na ito sa nakasanyan nating lahat. Siguraduhin muna na kumpleto ang mga requirements para makalipad papunta sa trabahong naghihintay sa Taiwan.  

Requirements for departure to Taiwan:

  1. Kailangan may ticket para sa flight. Maari nang lumipad ang mga OFW, depende lang talaga ito sa mga restriksyon ng pupuntang bansa at sa mga available na flights.  
  2. Ang paghatid sa airport ay maari lang gawin ng isang tao, hindi rin maari mamalagi sa paliparan ang tagahatid. Mas mabuti ring may hawak siyang photocopy ng ticket nang hinahatid.  
  3. Mas mabuting dumating ng maaga sa airport, mga tatlo o apat na oras bago umalis ang eroplano.
  4. Mag laan ng pasensya at oras sa mga ligal na proseso sa airport. Mas mabuti nang sumunod sa hinihingi ng mga airline at awtoridad, para din ito sa ikabubuti mo at ikabubuti ng mga taong masasabayan mo sa airport.  

Requirements to fly:

  1. Mandatory ang paggamit ng face masks. Hindi ka papaliparin kung hindi nakasuot ng face mask sa airport at sa eroplano.  
  2. Kailangan pumayag sa mga temperature checks, paggamit ng foot baths at sa paghugas ng kamay o paggamit ng hand sanitizer.  
  3. Panatilihin ang social distancing. 

Requirements to enter Taiwan:

  1. Kailangan may hawak ng certification na nagpapatunay na Negative ang resulta ng COVID19 test, na na may petsa na hindi hihigit sa tatlong araw bago dumating sa Taiwan. Nakasulat dapat ito sa Ingles.  
  2. Merong naghihintay na matutuluyan para sa 14-day quarantine pagdating sa Taiwan. 
  3. Kailangan mag-ingat sa panahon ng pandemya. Subaybayan ang mga updates sa Taiwan at sa Metro Manila para palaging updated sa mga bagong guidelines at requirements ng paglipad.  

 

Sources:

https://www.dfa.gov.ph/covid-19-advisories/26380-travel-advisory-outbound-travel-restrictions-by-philippine-government-on-filipino-travelers 

https://www.bakermckenzie.com/en/insight/publications/2020/03/restrictions-travel-in-ph-covid19-update 

https://www.boca.gov.tw/cp-220-5081-c06dc-2.html 

https://www.philippineairlines.com/en/ph/home/covid-19/travelrules