Loading...
Alt

Gusto mong mabago ang buhay ng kaibigan mo kaya isinama mo siya sa recruitment agency mo kahit di ka pa sigurado kung isa itong pekeng agency. Bad move. Dahil sa ginawa mo, maari kang makasuhan ng Illegal Recruitment kasama ng bogus agency na nanloko din sa iyo.

Kailangan nating alamin ang ng maigi ang batas para maintindihan kung gaano kadaling maging illegal recruiter kahit hindi natin ito sinasadya.

Kahit maraming mga ethical recruitment agencies dito sa Pinas, hindi pa rin kami pwede dito sa My Labor Matters mag refer o mag suggest dahil wala po kaming lisensya para magrecruit. Dapat nating unawain na sobrang sensitibo ng illegal recruitment - maaaring makasira ito ng buhay at pamilya ng mabibiktima nito. Mabuti nalang at meron tayong mga batas sa Pilipinas na nagbabawal dito.

Ayon sa: Section 6 of Republic Act. No 8042 (as amended by Republic Act No. 10022)

Ang ibig sabihin ng Illegal Recruitment ay anumang gawain ng:

  1. paghahanap,
  2. pagtatala,
  3. pangongontrata,
  4. transportasyon,
  5. paggamit,
  6. pag-hire,
  7. o pagkuha ng mga manggagawa
  8. at pag-rerefer,
  9. pangongontrata ng serbisyo,
  10. pangangako o pag-advertise para sa pagtratrabaho abroad,

...pagkakitaan man o hindi, ng walang lisensya o awtoridad base sa Labor Code ng Pilipinas.

Ang sino man na walang lisensya o awtoridad, na mangloloko o mangangako ng bayad, mag-aalok ng trabaho abroad -- sa dalawa o higit pang katao -- ay sangkot sa Illegal Recruitment.

(Trinanslate at pina-simple ng My Labor Matters Team mula sa Ingles.)

Wait po, there’s more. Dahil ang depinisyon ng Illegal Recruitment ay lalo pang pina-tindi ng Supreme Court.

Ang mga batas po kasi ay nababago ayon sa mga desisyon sa Supreme Court. Ang mga pag-babago na ito ay:

  1. Kahit aplikante ka pero nirefer mo ang mga katrabaho mo sa isang agency at tumulong mangolekta ng papeles o fees, gumawa ka na ng illegal recruitment. Base ito sa kaso ni Nelly Goce na nirefer ang mga katrabaho niya at pinakilala sa mag-asawang me recruitment business (People vs Goce, 247 SCRA 780)
  2. Kahit isang tao lang ang na-recruit basta walang lisensya yung nag-recruit at nangako ng trabaho abroad, illegal recruitment pa din.
  3. Kahit walang intensyong masama ang tao sa pagaalok ng trabaho sa kasama, basta nangako pa din ng trabaho abroad, illegal recruitment pa din ang bagsak.
  4. Ang pagbibigay pa lang ng impresyon na kayang magpadala ng tao sa abroad ng isang indibidwal ay pwede nang ikonsidera bilang offense ng illegal recruitment. So yung mga taong nagkwekwento na nakapagpaalis sila abroad o umaasta silang kaya nilang magpa-abroad basta mabayaran sila, pwede pa ding makasuhan ng illegal recruitment.
  5. Kapag nangako ang isang tao ng trabaho abroad, kahit nabayaran na ng pera o hindi pa, illegal recruitment na ito.
  6. Kahit walang tinagong resibo para sa recruitment activities ang inaakusahan ng illegal recruitment ay madaling madali pa din itong mako-convict. Hinding hindi hihina ang kaso ng prosecution kahit walang transaction records.

Dahil alam na natin kung ano ang ibig sabihin ng Illegal Recruitment at paano ito nangyayari, ito ay magiging paraan para hindi na ito mangyari muli. Ang kaalaman ay isang importanteng paraan para matigil na ito. Para sa ating mga kababayan na nagmamabuting loob at nais mang-recruit at mag refer ng kaibigan sa pagtratrabaho abroad -- alam namin na baka talagang gusto mo lang makatulong, pero baka mahantong lang ito sa kapahamakan mo at ng kaibigan mo. Mabuti na at alam natin ang batas.

Sa tingin mo, naranasan mo na ba ang illegal recruitment? Na-recruit ka na ba sa iligal na paraan? Mag message sa aming Report Concerns page, dahil baka pwede namin kayo mabigyan ng advice dito. Bisitahin din ang aming Facebook page para sa iba pang balitang OFW!

SUMMARY:
One of the most common reasons that Filipino migrant workers are trafficked or experience illegal recruitment practices is that they do not know what rights they have even as they are applying for a job. In this article, the law is outlined in conversational Filipino and ends with a call to action to report on the My Labor Matters page any concerns or issues they may have experienced.