Loading...
1. Ano ang pinakaligtas na paraan ng pagkuha ng trabaho sa ibang bansa?
Ang pinakaligtas na paraan ay sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Government Placement Branch (GPB)
- Mga ahensya sa pagrerekrut o recruitment agency na lisensyado ng POEA
Sumangguni sa POEA Assistance and Information Center na matatagpuan sa Blas F. Ople (BFO) Building, Ortigas Avenue cor. EDSA, Mandaluyong City o tumawag sa POEA hotline: sa 7221144 / 7221155. O bisitahin ang kanilang website sa www.poea.gov.ph.