Easy Guide to Common Philippine Documents for Working Abroad

nasaan-ang-passport-mo

Kapag napagtanto mo na na gusto mong mag-OFW at nakakita ka na ng trabaho na gusto mong pasukan, ang pinakamahirap na proseso ay ang pagkolekta ng dokumento. Paano mo ito gagawin?

Madali mong maisasaayos ang pagkuha ng dokumento basta ipagsasabay-sabay mo yung mga madaling makuha. Tingnan lamang ang aming guide sa mga common documents kapag nag-aapply kayo ng trabaho sa abroad.

Tip: Maglaan ng tatlong buwan o isang taon para sa ilang mga requirements tulad ng passport at pag-aaral sa TESDA para sa mga skilled workers. Tingnan lamang ang link na ito para sa mga scholarships ng TESDA: http://www.tesda.gov.ph/Barangay/

 

  1. Magsimula sa mga ID at supporting documents

Pagdating sa acceptable IDs, dapat ay mayroon kayong 2 o 3 ng mga nasabing dokumento. Kakailanganin ninyo lahat ng mga supporting documents. Ang mga ID na kadalasang ginagamit ay yung mga galing sa ahensya ng gobyerno at may mga picture.

 

List of Acceptable IDs Supporting Documents

Digitized SSS IDDriver’s LicenseGSIS E-cardPRC IDIBP IDOWWA IDDigitized BIR ID

Senior Citizen’s ID

Unified Multi-Purpose ID

Voter’s ID

 

Miscellaneous ID:
Digitized Postal ID

 

Birth Certificate

Marriage Contract (para sa mga kasal lang)

Barangay Clearance

Police Clearance

NBI Clearance

Cedula or Community Tax Certificate

1×1 and 2×2 pictures

Curriculum Vitae (CV) o kaya ay Bio-Data

 

Tip: Pumunta sa may mga photo center at kumuha na ng package ng 1×1 at mga 2×2 dahil gagamitin ninyo iyan sa inyong mga application. Mainam din kung makuha ninyo yung mga supporting documents dahil kakailanganin ninyo ang iba para mag-apply ng ilang requirements sa baba.

Tip:  Kung mamasahe pa galing malayo at pipila pa ng matagal sa NSO, baka mas maganda kung mag-apply na lang online dito sa https://nsohelpline.ph/order-now para sa inyong birth certificate o marriage certificate.

 

  1. Ayusin ang mga clearances

 

Document Ano ang Kakailanganin
Barangay Clearance 2 -3 ID, application fee, cedula
Police Clearance Cedula, barangay clearance, 2 2×2 pictures, application fee: PHP 100
NBI Clearance 2 – 3 ID, personal appearance sa clearance center sa inyong area. Sabihin ninyo na for travel abroad ang clearance, application fee: PHP 115

 

Tip: Puwede nang mag-apply online para inyong NBI Clearance dito sa kanilang website: https://www.nbi-clearance.com/  Kung may hit maari pa din nila kayong papuntahin sa kanilang main branch malapit sa PGH.

Tip: Puwede ninyo na lang ding isabay ang inyong NBI Clearance application kapag pumunta kayo sa mall.

 

  1. Asikasuhin ang passport kung wala pa o kailangang i-renew

Document Ano ang Kakailanganin
Passport  

NSO Birth Certificate, 1 Picture ID, 2 Supporting Documents, Old Passport if for Renewal, Personal Appearance.

 

Para sa ibang mga requirements kung kayo ay kinasal na, Muslim, ampon, menor de edad, pumunta lamang sa:

 

https://www.dfa.gov.ph/renewal-of-passport-requirements

 

Fees:
Normal (30 days) – PHP 950

Express (20 days) – PHP 1,200

 

Tip: Magpaschedule ng appointment online para sa inyong passport application dito:

https://www.passport.gov.ph/

Tip: Bigyan ng mga 3 buwan ang proseso ng pag-aapply para sa passport dahil punong-puno ang appointment schedule ng DFA.

Tip: Mag-apply sa branch ng DFA sa inyong probinsya o kalapit-probinsya kung nagmamadali.

 

  1. Tingnan ang mga contribution at magfill-up ng mga form sa government agency.

Maaring hindi required ang ibang benefits na nakalista sa ibaba, ngunit maganda na ding may coverage kayo habang kayo’y nasa abroad.

Requirements Ano ang Kakailanganin
SSS contribution (optional lang) PHP 6,000 para sa isang taong kontribusyon.
Philhealth contribution PHP 2,400
Pag-IBIG contribution PHP 1,200

 

Tip: Pumunta lang sa malapit na Robinson’s Mall at tingnan kung mayroong mga processing center sa nasabing establisimyento. Maaari ding isabay ninyo na ang inyong NBI application kung mayroon din doon sa nasabing lugar.

  1. Pumunta sa inyong recruitment agency para mag-apply.

Kausapin at magtanong kapag nag-apply na sa recruitment agency na nais pasukan kung ano ang mga requirements nila. Nasa ibaba ang kadalasang hinihingi mula sa trabahador. Kung naghahanap pa lang ng trabaho, sundin ang aming guide sa paghahanap ng trabaho online gamit ang POEA website.

Requirements Ano ang Kakailanganin
Placement Fee Depende ito sa bansa. Ang Japan ay hindi nangongolekta ng placement fee samantalang ang Taiwan ay pumapayag na mangolekta ng placement fee na katumbas ng isang buwang sahod sa trabahong papasukin.
Medical Exam PHP 1,000 to 5,000
Inoculation Fee Depende uli sa bansa kung anong vaccination ang irerequire. PHP 1,000
Trade Test (depende sa employer) Nagiiba-iba ang singil depende sa ahensya.
TESDA Certification (depende sa job order, ahensya at employer) Mag-aral sa TESDA at kumuha ng assessment test sa inyong malapit na assessment center. Makikita ang mga assessment center dito:

http://www.tesda.gov.ph/AssessmentCenters

 

 

Tip: Mag-apply ng trabaho sa mga bansang hindi naniningil ng placement fee tulad ng Japan. Lumapit lang sa mga agency na nagsasabing “No Placement Fee” agency sila.

 

  1. Ayusin ang POEA requirements

 

Requirements Ano ang Kakailanganin
Documentary Authentication Fees PHP 100
PDOS PHP 100

 

  1. I-check ang mga requirements na ito mula sa inyong employer

Babayaran ng inyong employer ang mga requirements sa ibaba at aasikasuhin sa pamamagitan ng kanilang partner na recruitment agency. Ang inyong babayaran lang diyan ay ang contribution sa Pag-IBIG at Philhealth na nakasaad sa requirements sa itaas. Antabayanan lang ang mga sumusunod:

Requirements Ano ang Kakailanganin
Visa Fee Depends on type and issuing country. May mga visa requirements din kayo na kailangang ibigay.
POEA Processing Fee PHP 200
OWWA Contribution USD 25, valid for 2 years
Compulsary Insurance Coverage Varies, depende sa Insurance Commission
Overseas Employment Certificate (OEC) Resibo ng pagbabayad sa POEA Processing Fee, OWWA Membership Fee, Contribution sa Pag-IBIG at Philhealth. Ang OEC ay magbibigay sa inyo ng travel tax exemption at airport terminal fee exemption at magsisilbi ninyong exit permit.

 

Sana po ay nakatulong ang munting artikulo na ito sa inyong pangangalap ng mga dokumento at sa inyong pangarap na makatulong sa inyong pamilya.

Kung mayroon kayong gustong ikuwento o kaya’y isangguni, pumunta lamang po sa aming Contact Us form.