How to Choose a Vocational Skill for Your OFW Career

Kung nangangarap kang mag-abroad, maari kang dalhin ng iyong skills sa ibang bansa. Kailangan mo lang ng masusing pag-aaral kung ano ba talaga ang iyong nais gawin at kung ano ang maari mong ibigay bilang serbisyo. Ngayon pa lang ay dapat mo ng paglaanan ng panahon kung anong klaseng trabaho ang papasukin mo.
Kapag wala ka pang maisip, sundin lang ang mga sumusunod na advice para masuyod mo kung anong vocational skills ang dapat mong pasukin.

1. Pag-isipang mabuti kung nasaan ang iyong interes.

Isipin mong mabuti kung saan ba talaga ang iyong passion o interes dahil dito mo matutumbok kung anong trabaho ang nararapat sa iyo. Ikaw ba ang pinag-aalaga sa mga matatanda sa inyong pamilya? Baka dapat kang mag-caregiver. Kung di ka mahilig sa katawan ng tao ngunit naiintindihan mo kung paano gumagana ang makina, baka dapat maging diesel mechanic ka.

2. Tingnan ang sariling kakayahan at hobbies.

Hindi lang interes ang dapat gawin. Makakakita din ng pahiwatig yung mga hobbies mo. Masarap daw po ba ang inyong cookies? Pumasok po kayo sa baking. Kung mahilig kayong bumuo ng mga bagay-bagay bakit hindi kayo pumasok sa fabrication o sa welding?

3. Piliin ang maraming specialization.

Huwag lang tingnan ang sahod Tingnan din kung maraming specialization o flexibility ang gusto ninyong pasuking trabaho. Halimbawa sa welding, madaming klaseng welding tulad ng electric arc welding, metal inert gas welding, at Tungsten inert gas welding. Mayroon kaming na-feature na kuwento tungkol kay Samboy na nag-nanais maging deep sea welder. Siyempre kapag ispesyalista ka sa iyong bokasyon ay may karampatang taas din ng fee para sa iyong serbisyo.

4. Tingnan kung ano ang mayroong magandang training program.

Hindi mo na kailangang lumayo. Tumingin na lang sa website ng TESDA para malaman kung ano-ano ang mga kursong maari mong pasukan. Tingnan mo din kung makakapasok ka sa kanilang scholarship program.

5. Magtanong kung maaring magtrabaho sa kamag-anak

Kung wala ka pa ding maisip na vocational skill, tingnan kung ano ang trabaho ng iyong kamag-anak at magpaturo sa kanila. Maganda na din ito bilang anyo ng apprenticeship. Huwag kalimutan na magpapicture habang nagtratrabaho upang makita ng potential employer mo na may experience ka nga.

6. Maging eksperto sa isang bahagi ng iyong napiling trade skill

Huwag lang matuto na malaman ang general knowledge sa vocational skill na napili mo.Habang umaandar ang panahon, dapat ay nagaaral ka upang maging ispesyalista at eksperto ka sa iyong ginagawa. Kapag eksperto ka at marami kang certificates, ang trabaho na ang maghahanap sa iyo.

7. Mag-aral ng mag-aral kahit eksperto na.

Hindi tumitigil ang pag-angat ng teknolohiya at naluluma din ang kaalaman. Parating mag-aral at hanapin ang mga advanced techniques sa inyong trabaho upang parati kayong viable sa kahit anong kumpanya at bansa.

Sana ay kinapulutan ninyo ng kaalaman ang aming post. Malaking desisyon ang pag-aabroad. Sabayan ito ng commitment sa pag-aaral at pagpapakadalubhasa sa inyong vocational skill. Ang eksperto at dalubhasa ay parating hinahanap kahit saan. Baka hindi niyo na kailangan pang umalis ng Pilipinas kung kayo ay magaling na.

Kung kayo ay may katanungan pumunta lang sa aming contact us form o kaya ay magmensahe sa aming Facebook page.

<a href=’http://www.freepik.com/free-vector/30-avatar-icons_1040569.htm’>Designed by Freepik</a>