Promoting Fair and Safe and Labor in Japan Seminar – Philippine Edition

My Labor Matters Manila Event

Kung gusto mong pumunta ng Japan, malugod kang inaanyayahan ng My Labor Matters para umattend ng isang seminar. Ito ang Promoting Fair Labor and Ethical Recruitment Seminar na gaganapin ng 9:00 a.m. sa May 29, 2016, sa Asian Social Institute (ASI) sa Leon Guinto St. sa Maynila.

Ang libreng seminar na ito na aming idinaos sa mga siyudad ng Tokyo, Kanagawa, Nagoya, Kyoto, at Osaka ay aming dadalhin sa iba’t ibang pook sa Pilipinas ngayong buwan ng Mayo at sa darating na buwan ng Hunyo.  Ang misyon ng seminar ay para tulungan ang mga applicant at mga OFW na maunawaan ang kanilang mga karapatan bilang mga trabahador at migrante.

Ang seminar series ay suportado ng mga partner organization ng My Labor Matters na Center for Migrant Advocacy (CMA).

Sadyang kritikal ang mga usaping pang-trabaho sa Japan. Tinataya na nasa 200,000 ang populasyon ng mga Filipino sa bansa – isa sa mga pinakamalaking ethnic minority ngayon dito. Tiyak na madaragdagan pa dahil sa pagbubukas ng Japanese labor market para sa mga DH at karagdagang mga trainees mula sa Pilipinas.

Magreserba na po ng inyong slot sa pamamagitan ng  pag-sign up sa form na ito:

Limited  slots for 40 participants only.

Paki check lang ang www.mylabormatters.com para sa karagdagang updates tungkol sa mga upcoming events at related news.