Online Imbestigasyon: Paano Mo Malalaman Kung Illegal Recruiter Ang Agency Mo

Online Imbestigasyon

Kung gusto mong mag-abroad, pwede mong daliriin na lang ang paghahanap ng opportunities dahil me Internet naman. Kailangan mo lang magtype sa Google at makakakita ka na ng daan patungo sa country of destination na iyong pinapangarap.

Ayun lang, sandamakmak man ang posting, talamak din naman ang illegal recruitment? Ano nga ba naman ang gagawin mo? Paano mo makikilala ang legit na recruitment agency o yung illegal recruiter na sobrang makaka-agit sa iyo ng sobra?

Bakit hindi mo muna subukang mag-imbestiga muna din sa Internet?

  1. Sa Facebook, huwag lang like ng like, magmatyag din at magbigay daan sa duda

Napakadali pong gumawa ng page sa Facebook para sa kung anong organisasyon at interes. Maari kayong gumawa ng Facebook page para sa inyong aso o kaya sa paborito niyong barangay tanod. Dahil wala pong gaanong pinagbabawal sa paggawa ng account, kahit ang mga illegal recruiter ay mayroon.

Kung may nakita kayong posting ng trabaho o Facebook page ng agency, hanapin niyo kaagad yung POEA license number nung agency na nagpopost. Kung wala iyon, ihanda na ang sarili na baka illegal recruiter itong nag-aadvertise ng trabaho.

Maghanap din kayo ng mga komento o status tungkol sa agency na iyon sa pamamagitan ng paggamit ng Facebook search bar. Ito yung blanko na pwedeng magtype dun sa pinakataas na part ng Facebook mismo. Katabi ito ng logo ng nasabing social media site. Tingnan ang mga resulta at magbasa-basa.

  1. Hanapin ang website ng agency sa Google.

Dahil panahon ngayon ng Internet, lahat ng legit na business ay nagpapagawa ng website. Kung walang website yung nagrerecruit na agency, kailangan mo ng pagisipan kung tama bang mag-apply sa kanila.

Nangyayari din na may magandang company na hindi na muna nagwewebsite at posible din na mayroong website ang illegal recruiter. Kilatising mabuti ang website at tingnan muli kung may POEA license ang agency. Tingnan din kung ginagawa nila ang mga sumusunod na bagay sa kanilang site.

  1. I check ang POEA website at baka cancelled na ang license ng agency.

Pumunta lang po sa link na ito:

http://poea.gov.ph/cgi-bin/aglist.asp

Itype po at hanapin ang status ng agency. Basahin. Hanapin kung kulay pula ang status. Ang agency ay maaring:

Delisted – tinanggal mula sa listahan ng POEA bilang isang agency.

Cancelled – kinansela ang lisensya.

Suspended – pinatigil muna ang operasyon.

Denied Renewal – nag expire ang lisensya pero hindi na nirenew.

Ceased Operations – itinigil na ang negosyo ng pagrerecruit.

Maaring tandaan po na importante ang POEA license number dahil ito po ay marka na binigyan po ng karapatan ang isang agency na magrecruit. Kung wala nitong number na ito, maari pong makasuhan ng illegal recruitment sino man.

Sana po ay may natutunan kayo sa post naming ito. Kapag may problema po, maari lang na gamitin ang aming feedback form. Maraming salamat po.