Top 10 Things You Should Know About OFW Medical Exams

Designed by Freepik

Matapos din ang mahaba-habang pila, interview, at selection process, nabalitaan mong tanggap ka na. Ooops, wag muna mag celebrate. Itago muna ang liempo, beer, at handa dahil kailangan mong dumaan sa medical exam.

Hinihingi ang medical exam upang malaman ang kahandaan ng kalusugan ng isang OFW para magtrabaho sa ibang bansa. Heto ang mga tip:

  1. Mag-ipon ng halagang 2500 to 3000 Pesos para sa inyong medical tests. Hindi libre ng agency o ng inyong employer ang examinations puwera na lang sa mga seafarers.
  2. Ayon sa batas, may karapatan na mamili ang OFW ng sarili nilang klinika para sa medical examination. Bawal po na ipilit ang partner clinic ng inyong agency. Exempted lang ang mga seafarer dito dahil kadalasan ang kanilang principal ang nagbabayad para sa kanilang medical exam.
  3. Magpatingin lang sa accredited clinic ng DOH at ng POEA (at GAMCA para sa mga papunta ng Middle East) para hindi paulitin sa inyo ng inyong agency ang examination.
  4. Ang lahat ng procedure para sa inyong medical exam ay maaaring matapos ng isang araw kaya mag-reserba ng isang araw at siguraduhing walang ibang gagawin sa araw na iyon.
  5. Siguraduhing nakapag-fasting kayo ng maayos bago kuhanan ng test para sa Fasting Blood Sugar. Hindi dapat kumain o uminom sa loob ng 8 oras bago ang procedure. Kung hindi maayos ang fasting, papabalikin uli kayo sa ibang araw.
  6. Iba-iba ang nirerequire na medical test ng iba-ibang bansa. Kausapin ng maayos ang ahensya tungkol sa mga test results na gustong makita ng inyong employer.
  7. Tatlong buwan lang ang effectivity ng inyong medical exam kaya siguraduhin niyong magagamit ito ng maayos.
  8. Kumuha ng fit to work certificate mula sa klinika o accredited doctor bukod sa mga resulta ng inyong examination.
  9. Magpatingin sa dermatologist at sa dentista bago magpa-medical exam dahil may mga kundisyon sa balat at ngipin na maaring magpadeklara sa inyo bilang unfit to work.
  10. Ang mga sumusunod na sakit ay kadalasang hindi tinatanggap sa trabaho:A. Mga infectious o nakakahawang sakit: HIV reactive, Hepatitis B, Microfilaria, Malaria, at Leprosy, Tubercolosis o TB, SyphilisB. Mga hindi infectious o hindi nakakahawang mga sakit: Renal failure, Congestive heart failure, Diabetes, Hypertension, Cancer, Sakit sa isipan

Tandaan lamang ang mga kaalaman na ito bago kayo magpamedical exam.  Ika nga nila, health is wealth at kung wala kang he