Kamatayan ng Pinoy Trainee Dineklarang Dahil sa Overwork

kamatayan-ng-pinoy-trainee

Opisyal na dineklara ng Labor Standards Inspection Office ng Gifu Prefecture na namatay si Jeffrey Tocnang, isang trainee na nagtratrabaho sa isang casting company, dala ng overwork. Natagpuang patay ang OFW noong Abril ng 2014 sa kanyang kwarto sa company dormitory matapos ma-engkwentro ang heart failure ngunit noong Agosto lang ng taong ito nahusgahan ang tunay na dahilan ng kamatayan.

Nabatid ng mga imbestigador na nagtrabaho si Jeffrey ng 78.5 oras hanggang 122.5 oras kada buwan. Kung pumapasok ang mga trabahador sa kumpanya ni Jeffrey ng limang araw sa isang linggo at 8 oras kada araw, nagtratrabaho ng karagdagang 4 na oras ang yumao at higit pa kada araw at maaring hindi nag-de-day off.

Natagpuan daw na nakasalampak na lang ang katawan ni Jeffrey tatlong araw bago siya umuwi ng Pilipinas. Ayon pa sa kanyang kasamahan, bibisita pa sana ang trainee sa isang 2nd hand shop para bumili ng pasalubong para sa kanyang asawa. Ang kaso ni Jeffrey ang pinaka-una sa opisyal na tala ng gobyerno ng Japan matapos nitong magsimulang mangolekta ng datos ukol sa mga kalagayan ng mga trainee.

Makakatanggap ang pamilya ni Jeffrey ng danyos mula sa gobyerno ng Japan. Nawa’y maging makabuluhan ang kamatayan niya at magresulta ito sa mas magandang proteksyon ng mga higit pa sa 210,000 na trainees na nagtratrabaho sa bansang Hapon.

Basahin ang artikulo mula sa Asahi Shimbun dito.