How to Look for an Overseas Job in Japan in the POEA Website

How to Look

Maraming mambabasa at FB friends ng My Labor Matters ang nagtatanong kung saan makakahanap ng trabaho sa Japan. Sa totoo lang po, hindi po kami recruitment agency kaya hindi po kami nagpopost ng trabaho. Isa po kaming NGO na dedicated para tulungan kayong makaiwas sa illegal recruitment at human trafficking.

Bilang serbisyo po namin sa inyo, tuturuan po naming kayong maghanap ng job order sa POEA website in 5 easy steps:

1.       Buksan ang inyong browser (pwedeng Google Chrome, Mozilla Firefox, Opera o kung ano man ang meron kayo) at itype ang www.poea.gov.ph sa address bar. Tatambad sa inyo ang homepage ng POEA.

Poea1

2.       Pumunta sa kaliwang bahagi ng home page at pumunta sa ibaba. iclick ang “Approved Job Orders” na box.

find-work-poea-database

3.       Sa bagong page, iclick ang “Search Available Job Orders”

poea3

4.       I-type ang hinahanap na position (for example, teacher) at i-click ang “Submit” button.

poea4

5.       Tingnan niyo ang mga listahan ng available na trabaho at icheck kung merong trabaho para sa inyo. (Sadya po naming tinakpan ang mga pangalan ng agency dahil bawal po kaming mag-promote at baka isipin po na me nirerekomenda kaming specific na agency)

poea5

Kung maari lang po ay mag-research muna kayo tungkol sa recruitment agency na balak niyong puntahan. Kumpletuhin niyo muna ang mga common documents na nirerequire sa mga agency bago kayo sumabak. At siyempre maging alisto kayo sa kung ano mang iregularidad sa recruitment process tulad ng excessive fees.

 Good luck po at happy job hunting! Hangad po naming ang inyong success sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa at nawa’y hindi kayo mapasok sa illegal recruitment o ma-trafficking-in-persons.