How to File a Case with the POEA

How to File

Ang mga Pilipino daw ay mapagpatawad pero may panahon na dapat kumiling sa batas lalong lalo na kung ikaw o ang kamag-anak mo ay naloko ng isang recruitment agency o recruiter.

Ayon nga sa statistics ng International Organization for Migration o IOM, may 948,503 na OFW ang nasa irregular migration situations na maaring mangahulugan ng hindi pagkakaroon ng maayos na visa o pag-ooverstay sa bansang tinutuluyan. Hindi basta-basta makakaaalis ang mga trabahador na ito ng basta-basta – ang irregularidad ay nagsisimula sa bansa pa lang.

Upang maibsan ang pagdudusa ng iba pang mga OFW at upang managot ang mga agency na may maling palakad, dapat maglakas loob ang mga naloko na ireklamo sila sa gobyerno. Mabuti na lang at may libreng legal assistance at may filing/docketing ng cases sa POEA. Maaring sundin lang po ang mga sumusunod na steps para maayos na makapagreklamo sa inuukulan.

Unang-una, kailangan po ninyong kumuha ng Legal Assistance sa Legal Assistance Division ng POEA sa 4th floor ng kanilang building sa may ortigas. Dalhin po lamang ang OFW Record niyo. Heto po ang mga step sa pagkuha ng legal assistance:

1. Kumuha ng verication form mula sa Guard sa 4th floor at i-fill up ang form.
2. Pumunta sa Window 3 upang kausapin ang Licensing Branch sa 4th floor din ng building at kausapin ang LB Verification Officer para malaman ang status ng agency na balak ireklamo.
3. Bumalik sa Legal Assistance Division (LAD) at isubmit ang verified form/OFW information sheet sa Legal Officer at antaying tawagin ang inyong pangalan.
4. Kapag tinawag na ang inyong pangalan, pumunta sa mesa ng inyong Legal Officer upang magkaroon ng konsultasyon o legal assistance bilang paghahanda sa pag file ng inyong complaint.
5. Isumite ang hawak na complaint form sa Legal Officer at maghandang sumumpa sa katotohanan ng inyong mga sinabi sa reklamo.
6. Maari din kayong ipadala sa Conciliation Unit sa 2nd floor kung maari pang ayusin sa usapan ang inyong problema o kaya sa Docket and Enforcement Division sa 3rd floor para sa pormal na pag-akyat ng inyong reklamo.

Pangalawa, pagkatapos madinig ng Legal Officer ang inyong hinaing at kailangan niyong isampa ang pormal na reklamo sa agency, kakailanganin ihanda ang sumusunod:

5 kopya ng reklamo na na-verify at may sinumpaang testimonya kasama ng mga sumusunod na dokumento:

Kapag ang Reklamo ay Tungkol sa Recruitment Violation

1. Listahan ng Agency Personnel ng nasabing ahensya mula sa Licensing Branch ng POEA.
2. Status ng agency ayon sa Licensing Branch.
3. Request to Docket Case mula sa Conciliation Unit.

Kapag ang reklamo ay ukol sa Disciplinary Action:

1. Ang inyong OFW Record/Information Sheet.
2. Request to Docket Case mula sa Conciliation Unit.

Matapos makolekta lahat ng papeles, sundin lang ang mga susunod na hakbang:

1. Ifile ang reklamo kasama ang mga nasabing dokumento sa Docket and Enforcement Division sa 3rd floor ng POEA building.
2. Kumuha ng de-numerong bola sa tambyolo para makilala kung sino ang Overseas Employment Adjudicator (OEA) na hahawak ng inyong kaso.
3. Tanggapin ang kopya ng file ng reklamo na mayroong stamp na “RECEIVED” na kasama ang case number at numero ng OEA na hahawak ng kaso.
4. Antayin lamang ang notice ng unang hearing ukol sa kaso.
Sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa inyong kaso, hindi lang kayo ang nagkakamit ng hustisya kung pati na rin ang mga OFW na naloko ng nasabing ahensya. Hindi na din maloloko pa ang ibang OFW na maaring mag-apply sa kanila. Kayang baguhin ng inyong tapang, malasakit, at paghahanap ng hustiya ang industriya ng recruitment sa ating bansa.