Verite-My Labor Matters Magdadaos ng Conference sa Manila at sa Tokyo ukol sa Pangako at Peligro ng Pagtratrabaho sa Japan

Verite-My Labor Matters

Kasalukuyang inoorganisa ng Verite Southeast Asia – My Labor Matters team ang dalawang conference na gaganapin sa Pilipinas at Japan ngayong September 12 at 28, 2016. Ang dalawang kumperensyang itong may titulo ng “Overseas Workers in Japan: Promises and Risks” ay isasagawa upang isiwalat ang leksyon at datos na nakalap ng organisasyon ukol sa kalagayan ng mga OFWs sa Japan lalong-lalo na sa mga trainees.

My Labor Matters E-invite 3_071516

Ang mga takdang matutunan ng mga sasali sa mga event na ito ay ukol sa mga hamon ng labor sector sa Japan sa konteksto ng paparating na Olympics, mga kakulangan sa proseso ng recruitment lalong lalo na sa pre-departure at pagpapasok sa trabaho, buhay-migrante, solusyon na maaring gawin ng mga employer, at ang kinabukasan ng trainee program ng Japan.

Umaasa ang mga organizer na kapupulutan ng aral nasabing mga conference ng lahat ng lalahok mula sa mga sektor ng gobyerno, labor, business, at akademya at ikabuo ng mga batas at policy na ikabubuti ng mga manggagawang migrante.

Kung nais niyong magbigay ng presentation o maging parte ng audience o ng participants, mag-email lang po sa mylabormatters.com o sa ddelgado@verite.org o kaya sa camille@drinkph.com.