Bawal ang Na-Caesarean: Mga Weird na Rason Kung Bakit Di Nahahire ang Aplikante

04_Bawal ang

 

Madaming gustong mag-apply sa Japan at madami din sa kanila ay skilled. Pero mayroong hindi talaga makukuha hindi dahil sa kakulangan ng galing o kakulangan ng opening. Minsan, hindi makukuha ang applicant dahil sa ibang dahilan.

Para walang misteryo, pakibasa na lang po ang mga sumusunod:

Bawal ang Tattoo

Takot ang mga Japanese sa may mga tattoo dahil sa koneksyon ng body art sa mga Yakuza. Kultura kasi ng mga Yakuza na magpalagay ng mga tattoo sa buo nilang katawan upang ipakita na hindi sila umaatras sa sakit ng katawan. Malakas ang stigma sa mga may tattoo at kadalasan ay pinagbabawal ang mga taong markado sa mga public bath o onsen.

Bawal ang May Pamilya

Kadalasan kasing rason ng mga Filipino workers ang kanilang pamilya upang di tapusin ang kanilang kontrata at umuwi na. Mahirap talaga pag tamaan ng homesickness at naiisip ang pamilya. Sa banda naman ng mga employer, malaki ang investment na ginawa nila para makakuha lang ng trabahador kaya problema kung hindi nasusulit ang panahon.

Bawal ang Single

Sa kabilang banda, ang ibang employer naman ay pinipili ang may asawa. Sa Japanese society,  hindi ka seseryosohin ng upper management kung wala kang asawa. Hindi ka pa ganap na adult kung wala kang sinusuportahang pamilya.

Kapag single ka kasi, lalandi at lalandi ka din at madidistract ng iyong boifurendo o girlfurendo. Takot ang mga employer na ayaw sa single na wasakin ng love life ng kanilang trabahador ang kalidad ng kanilang trabaho.

Bawal ang Na-Caesarean o Naoperahan

Kapag malamig ang panahon, kung ano-anong sensasyon ang iiral sa katawan. Umaabot ng 0 Degrees ang Japan kapag winter at kapag tumama ang ganitong lamig, sasakit ang mga sugat na nasara at aaray ang mga taong dating nabalian ng buto. Sa pagsirit ng sakit, may mga napapauwi talaga. Iniiwasan na mangyari ito ng mga employer.

Minsan naman, mabigat ang gawain na kailangan sa trabaho at ayaw namang magrisk ang mga employer na bumuka ang mga sugat muli.

Bawal ang May Kamag-Anak sa Japan

As much as possible, iniiwasan ng mga employer na mag TnT ang kanilang mga trabahador. Kapag may pamilya ka kasi sa Japan, merong magsisilong sa iyo kung sakaling gusto mong umeskapo.

Bawal ang Dating Trainee

Actually may limit talaga ang times na pwede kang magka-trainee visa. Dapat give way to others naman. Pero may mga kumpanya talaga sa Japan na pinababalik yung mga trabahador nila matapos makauwi ng Pilipinas at magpalamig dito ng dalawa o tatlong taon. Ang susi ay dapat mahire ka ng ganung employer.

Sana’y nagkaroon ng linaw ang weird na listahan ng pinagbabawal ng mga Japanese employer.  Kung mayroon kayong kwento tungkol sa inyong application, magbigay lang po kayo ng comment sa aming feedback form.