9 Best na Practices ng Ethical Recruitment Agencies

01_9 Da Best

Paano nga ba malalaman kung ang iyong agency na inaaplayan ay isang Ethical Recruitment Agency? Simple lang. May mga tinatawag na Standard Ethical Practices (SEP) ang mga ito na dapat makilala ng prospective OFW.

Kilatisin at tandaan ang sumusunod na best practices ng mga Ethical Recruitment Agencies:

  1. Ang mga Ethical Recruitment Agencies ay sumusunod sa isang code of conduct na nagcocommit dito sa proteksyon ng kanilang mga manggagawa and sa pag uphold ng international labor standards na tulad ng sa International Labor Organization at sa UN.
  2. Sumusunod sa mga batas ng mga bansang kanilang ginagalawan ang mga Ethical Recruitment Agencies at sinisiguro nila na makakapagtrabaho ang mga manggagawa ng legal sa mga ito.
  3. Transparent ang Ethical Recruitment Agencies. Binibigyan nila ang kanilang mga recruit ng malinaw na impormasyon ukol sa kontrata, pamumuhay sa bansang pagtratrabahuhan, at sitwasyon sa trabaho.
  4. Hindi nangongolekta ng fees ang Ethical Recruitment Agencies.
  5. Nagbibigay ng tama at sapat na training ang mga Ethical Recruitment Agencies para mabawasan ang challenges na kinakaharap ng kanilang mga recruit.
  6. Hindi nangdidiscriminate ang mga Ethical Recruitment Agency base sa lahi, gender, paniniwala, at relihiyon.
  7. PInoprotektahan ng Ethical Recruitment Agencies ang kanilang manggagawa sa pamamagitan ng pagseguro na lahat ng contractual agreements ay rumerespeto sa mga karapatan ng mga trabahador.
  8. Pinangangalagaan ng Ethical Recruitment Agencies ang confidentiality ng impormasyon ng kanilang manggagawa.
  9. Umiiwas ang mga Ethical Recruitment Agencies sa korapsyon at sa mga sitwasyong kahina-hinala o kakikitaan ng conflict of interes.

Kung mag-aapply ka, tandaan mo na lang ang mga best practices na ito at ikumpara ang mga policy ng recruitment agency dito. Sa ethical recruitment agency, sure na okay ang kalalagyan mo.

Me kwento ba kayo tungkol sa recruitment niyo? Magbigay lang po kayo ng feed back sa aming feedback form.