7 na Bagay na Dapat Mong Gawin Bilang Pakikisama sa Japan

02_7 na bagay

“When in Rome, do as the Romans do” ika nga ng kasabihan. Kung mapapapadpad ka sa ibang bansa, dapat umayon ka sa gawi ng mga locals doon. Kung nasa pamamahay moa ng isang bagong salta, gusto mo ba na pinapatong niya ang maduming paa niya sa iyong lamesa? Hindi di ba?

Para maging maganda ang iyong stay sa Japan, mapa long-term o short-term visit man, alalahanin lang ang mga sumusunod na tips:

  1. Wag magbigay ng atensyon sa sarili.

Kapag nasa Japan, umiwas na itaas ang boses habang nagkwekwentuhan. Okay namang magpahayag ng sarili pero timbre ka din lang na hindi ka maka-istorbo ng iba. Iwasan mong gumawa ng kahit anong tatawag pansin sa iyong sarili.

  1. Tumayo lang sa isang side kapag nasa escalator.

Built-in sa lahat ng bagay sa Japan ang pagbibigay kunsiderasyon para sa ibang tao. Kahit sa pagsakay ng escalator, nakatayo sa isang side lang ang mga taong hindi nagmamadali para open ang isang side. Yung side kasi na yun ay para sa mga nagmamadali o me hinahabol na oras. Sa Tokyo, nakatayo ang mga taong hindi nagmamadali sa kaliwa, habang sa kanan naman nakatayo ang mga tao sa Osaka.

  1. Wag kumain sa daan.

Hindi ugali ng mga tao sa Japan ang kumain sa kalsada kaya mahirap ding maghanap ng basurahan sa lansangan. Dala na din ito ng pagiingat nila na hindi maatake ng mga uwak habang naglalakad. Malalaki kasi ang mga uwak sa Japan.

  1. Magsuot ng face mask kapag sinisipon o me sakit.

Kung sinisipon ka, bumili ka ng face mask sa drug store kaysa makita ng mga taong naguunahan ang mga uhog na bumaba mula sa magkabilang butas ng iyong ilong. Kunsiderasyon ito para hindi ka makahawa ng tao.

  1. Ilagay ang malaking backpack sa gitna ng iyong mga binti sa tren.

Siyempre kapag traveler ka, me backpack ka talaga. Pero kung malaki yung backpack mo na tila ay inimpake mo pati bahay mo dun, kunsiderasyon na lang po. Ibaba at ilagay niyo na lang sa gitna ng binti niyo habang nakasakay sa tren. Baka po kasi nakakatama tayo ng ibang tao kapag lumingo tayo sa kabilang banda.

  1. Hubarin ang mga sapatos sa entrance ng bahay.

Kapag pumapasok sa bahay ng iba, hubarin ang sapatos sa me entrance pa lang. Kadalasan, me mga cabinet ang mga bahay sa entruswelo para ditto.

  1. Huwag magbigay ng tip.

Sa Japan, mataas ang standard ng mga tao sa kalidad ng produkto at serbisyo. Ito ang normal na panuntunan sa kanila. Kapag binigyan ng tip ang isang Japanese, isa itong anyo ng insulto na ang ibig sabihin ay “kulang ang serbisyo mo, kaya eto pa ang pera para mag improve ka.” Hindi siya tulad sa atin at sa Amerika na ang tip ay parang pagappreciate sa magandang serbisyong ginawa.

Sundin niyo lang po ang pitong tip na yan at magiging maganda ang inyong stay sa Japan. Kung me feedback o experience kayo, huwag pong kalimutan na kwentuhan kami sa aming feedback form.