3 Kinds of Harassment sa Japan

3 Kinds of

Mainit na mainit ang isyu ngayon ang rape joke na ginawa ng isang kandidato sa pagka-presidente ng Pilipinas. Sa Japan, kung makakarinig ang isang babae ng ganung klaseng joke na nakatuon sa kanya, maari niyang kasuhan ang nagbiro ng sexual harassment.

Iba ang standards ng mga tao sa disenteng pag-uugali sa Japan at importanteng malaman ito ng titira doon ng matagal para maiayon nila ang kanilang sarili. Importante ding malaman ito ng mga migrante para alam nila kung sila ay hinaharass na at kailangan na nilang humingi ng tulong sa kinauukulan.

Eto po ang tatlong klase ng harassment sa Japan:

Sexual Harassment

Ito ang pinakakilalang form of harassment. Ang sexual harassment ay maaring maging komento o aksyon na sexual ang nature ng ibang tao sa biktima. Maaring mga comments o advances na ginagawa ng isang partido para abusuhin nito ang relasyon nito sa biktima.

Ang mga dirty joke, panghihipo, o ano mang panyanyansing ay kabilang sa matatawag na sexual harassment.

Academic Harassment

Ang academic harassment ay nangyayari sa loob ng mga school, college, at university. Ito ay maaring maging masakit o unfair na kumento ukol sa research, project, o sulatin ng isang estudyante, staff, o propesor ng nasabing institusyon.  Maaari rin itong pang-aabuso ng relasyon ng isang offender sa isang biktima. Itong klase ng harassment na ito ay maaring maging dahilan para hindi na ituloy ng biktima ang kanyang pag-aaral o pananaliksik.

Power Harassment

Ang power harassment ay kadalasang nangyayari sa mga upisina at sa mga workplaces.  Ito ay kadalasang ginagawa ng trabahador na me posisyon laban sa mga taong nasa ilalim niya o mas nakakababa sa kanya. Ang pang bubully ng mga supervisor na Japanese sa mga trainee ay isang halimbawa ng power harassment. Matatawag din na power harassment ang natatanggap na verbal abuse ng mga trabahador mula sa kanilang senpai o mga boss.

Tandaan lang po na nasa sa atin din ang kapangyarihan para magkaroon ng harassment free na workplace. Kung me problema kayo sa kung ano mang anyo ng harassment, huwag po kayong magatubili na lumapit sa My Labor Matters.