15 Ways to Tell If Your Agency is an Illegal Recruiter

03_15 WAYS

Matagal na ding naging dominante ang mga illegal recruitment practices na balita kapag nakakarinig tayo ng kung anong bagay sa manpower recruitment industry. Hanggang yung mga illegal practices na lang nakikita natin.

Upang lubos pa nating makilala ang illegal recruitment agency at matutunan nating mapagkumpara sa mga ethical recruitment agencies, tingnan natin ang 15 practices ng mga illegal recruitment agency:

  1. Mahilig maningil ng fee, di mahilig magbigay ng resibo – Palibhasa kasi “under the table” ang sinisingil nila at ayaw niya ng katunayan na maaring magamit sa kanya kapag siya’y pinapulis.
  2. Laging sinasabi ang “Sa susunod na lingo (o buwan), aalis ka na.” – Siyempre aasa ka naman dahil atat ka na makapagsimula ng magandang future para sa pamilya mo. Pero sa totoo lang, lagi nilang ipupush ang paglipad mo dahil wala naman talagang trabahong nagaantay sa iyo.
  3. Medical kaagad, training kaagad – Walang mapakitang employer kaya magkukunwaring hinahanda ka. Hinahanda ka para sa wala.
  4. Meeting niyo sa tindahan ni Aling Nena o kaya sa Jollibee – Ayaw nilang matunton niyo ang kanilang opisina.
  5. Door to door ang tira, akala mo tuturuan ka tungkol sa Diyos – Lolokohin ka lang.
  6. Kapag tinatanong mo tungkol sa trabaho, sagot sayo’y “Secret” – Hindi makapagbigay ng detalye sa trabaho dahil wala naman talagang trabahong ibibigay. Palipad hangin hanggang makuha nila ang per among pinaghirapan.
  7. Etsapwera na daw ang POEA kasi direct hire ka naman – Kahit direct hire ang employee kailangan pa din dumaan sa POEA. Kapag di ka pinadaan sa POEA kabahan ka na dahil parang me mali sa proseso.
  8. Aalis ka pero mag Tourist ka muna – Di ka kasi kayang bigyan ng long term na working visa.
  9. Me kontrata daw, pero drawing lang – Pag di maipakita ang kontrata kaagad, maghinala na.
  10. Yung agency di nakalista sa POEA – Ang mga agency dapat me lisensya at binabandera nila yung license number nila. Pag wala, di sila nakalista sa POEA so meaning, illegal recruiter sila.
  11. Style Pyramid Scam ang recruiting – Dapat kumuha ang recruit ng kapwa recruit para alis agad.
  12. First name basis kayo ng staff, pero first name lang – ayaw kasing malaman mo ang tunay nilang mga pangalan. Marahil kasi “Mandarambong” ang apelyido nila.
  13. Peke ang mga dokumento na pinapakita sa inyo – Need we say more?
  14. Nangangako ng easy processing – Walang shortcut sa buhay. Kapag shortcut, malamang me maling ginagawa yung ahensya.
  15. Ikwekwento na nakapag-paalis sila na ang gamit ay Tourist Visa – Kapag agency ka, mali atang pinagmamalaki yun.

Tandaan po natin itong mga palatandaan na ito bago mag-apply. Kapag nakita niyong ginawa nila ang isa sa mga ito, maging alisto na po at umiwas na bago maging huli ang lahat. Kung kayo’y me kwento tungkol sa agency, maari po lamang na kwentuhan kami sa aming feedback form.